Plano ng Serbisyo para sa Sound Transit sa 2025
Talaan ng Nilalaman
- Plano ng Serbisyo sa 2025
- Pagsusuri sa Title VI
Pangkalahatang Ideya
Sa Sound Transit, tuloy-tuloy naming ginagawan ng ebalwasyon ang aming serbisyo at taon-taon kaming nagpapanukala ng mga pagbabago upang mapaganda ang karanasan ng pasahero at masulit ang aming mga nakalaang resource. Karaniwang ibinabalangkas sa Plano ng Serbisyo ang mga panukalang pagbabago sa ST Express, Sounder, at Link bilang tugon sa mga pagbabago sa pagsakay, mga kondisyon ng pagpapatakbo, at sa pagbubukas ng mga bagong proyekto ng transit na may malaking kapasidad.
Mga Hamon sa Lakas-paggawa at Pagbabawas-serbisyo
Ang Sound Transit ay kasalukuyang humaharap sa mga hamon sa lakas-paggawa na laganap sa buong industriya kaugnay ng pandemya, na naging dahilan upang magbawas-serbisyo ang aming katuwang sa pagpapatakbo na Pierce Transit. Dahil sa kalagayan ng mga kawani ng Pierce Transit, inawtorisa ng Sound Transit Board ang pagbabawas-serbisyo sa mga partikular na ruta sa South Corridor na ipinatupad noong Marso 2024. Nakaapekto ang pagbabawas na ito sa mga sumusunod na rutang pinatatakbo ng Pierce Transit sa Pierce County at South King:
- Route 590: Pagsuspinde ng segment sa kabayanan ng Tacoma sa pagitan ng 10th Ave at Commerce St, at Tacoma Dome Station.
- Route 580: Pagsuspinde ng serbisyo.
- Route 590: Pagbawas ng humigit-kumulang sa kalahati ng mga biyahe mula Lunes hanggang Biyernes.
- Routes 577, 578, at 594: Pagbawas ng mga piling biyahe.
Posibleng Pagbabalik-serbisyo
Naninindigan ang Sound Transit sa patas na pagbabalik-serbisyo ng ST Express kapag kaya na itong isagawa batay sa antas ng mga kawani. Sa Tag-init ng 2024, makikipagtulungan ang Sound Transit sa mga katuwang nito sa pagpapatakbo upang mapagpasyahan kung puwede na naming ibalik ang mga kamakailang ibinawas, na nakasalalay sa mga kasalukuyang limitasyon sa pagpapatakbo at antas ng mga kawani. Nangangalap kami ng input mula sa publiko tungkol sa mga serbisyong uunahing ibalik. Gayunman, kung hindi posibleng ibalik ang serbisyo, hihilingin ng Sound Transit ang awtorisasyon ng Board upang maipagpatuloy ang pagbabawas-serbisyo.
Gusto Naming Mapakinggan Ka!
Mula sa Agosto 5 hanggang 26, 2024, gagamitin ang Survey ng ST Express upang mangalap ng feedback mula sa mga sumasakay para sa Plano ng Serbisyo sa 2025. Hihilingin sa mga sumasakay na isaad ang gusto nilang saklaw ng ibabalik na ruta o dalas ng ruta at magkomento kung paano makaaapekto ang posibleng pagbabalik-serbisyo sa kanilang kakayahang sumakay sa ST Express. Tumatanggap kami ng mga mungkahi mula sa mga sumasakay para sa mga Plano ng Serbisyo sa hinaharap.
Sagutan ang SurveyMakatutulong ang feedback na ito upang matukoy ang mga serbisyong uunahing ibalik. Isasama sa Plano ng Serbisyo sa 2025 ang feedback ng mga sumasakay sa ST Express upang maipakita ang mga hiniling na serbisyo at antas ng dalas. Sa huling bahagi ng taglagas, ang Plano ng Serbisyo sa 2025 ay ihahayag ng mga Tagapagplano ng Serbisyo sa Sound Transit Board of Directors upang mapagtibay na ito.
Serbisyo ng 2 Line sa Downtown Redmond
Sa Tagsibol ng 2025, magsisimula na ang serbisyo ng light rail sa 2 Line, na magtatampok ng dalawang bagong estasyon sa Marymoor Village at Downtown Redmond. Paaandarin ang mga tren sa pagitan ng Downtown Redmond at South Bellevue nang may agwat na 10 minuto gamit ang mga treng may 2 bagon. Magagamit ang serbisyong ito nang pitong araw sa isang linggo, mula 5:30 a.m. hanggang 9:30 p.m.
Serbisyo ng Eastside ST Express
Walang mababago sa Serbisyo ng Eastside ST Express kaugnay ng pagpapalawak sa serbisyo ng light rail hanggang sa Downtown Redmond. Ang mga kasalukuyang ruta ng ST Express ay may mga koneksiyon pa ring tumatawid sa lawa sa pagitan ng 1 Line at 2 Line. Sinusuri namin kung paano puwedeng mapakinabangan ng ST Express ang bagong sistema ng Link at kung kailan ipatutupad ang mas marami pang koneksiyon sa Link.
Timeline ng Pagtapos sa 2 Line
Orihinal na nakaplano para sa huling bahagi ng 2024 ang proyekto ng 2 Line pero nabinbin ito dahil sa mga di-inasahang isyu sa kalidad ng konstruksiyon. Sa huling bahagi ng 2025, puwede nang magbukas ang huling segment sa kahabaan ng I-90 sa pagitan ng South Bellevue Station at International District/Chinatown. Kapag natapos na, magbibiyahe ang mga tren ng 2 Line mula sa Downtown Redmond hanggang sa Lynnwood City Center.
Kung mayroon kang anumang komento o feedback patungkol sa 2 Line o sa Pagpapalawak ng Downtown Redmond Link, i-email ang iyong mga komento sa servicechanges@soundtransit.org.
Next page Pagsusuri sa Title VI
Documents
- 2024 Service Plan Phase Two - ST Express Service Plan (PDF Document | 7MB) Updated 03/11/2024
- 2024 Service Plan Phase One - Rail Service Plan (PDF Document | 6MB) Updated 10/02/2023
- 2024 Service Plan - Title VI Service Equity Analysis (PDF Document | 17MB) Updated 10/02/2023
- 2023 Service Plan adopted with Appendices (PDF Document | 9MB) Updated 02/01/2023
- 2022 Service Plan adopted with Appendices (PDF Document | 20MB) Updated 02/01/2022
- 2018 Service Standards and Performance Measures (PDF Document | 8MB) Updated 05/28/2024
Connect with Service Planning
Phone: 206-553-3774
Email: servicechanges@soundtransit.org
Subscribe to updates: Keep up to date on the latest changes by joining our Service Planning email list.